Sa Jeep, Sino ang Tunay?

Ayoko kaya umuwi na lang ako. Maybe next time kapag maayos na ang lahat.

Ewan ko kung signs o mga bagay-bagay na dala ng kakaiba kong pag-iisip.

Ah, malapit na pala ang mga exams. So, I need to start reviewing na. Nadala na ko sa pag-cra-cram. Hindi ako sanay.

***

Sa Jeep, sino ang tunay?

Bakit may mga nagplalastikan at nagbabackstabban sa magkukumareng over 50 years old na? Tama pa ba yun? Bakit parating bingi ang tsuper ng mga jeep, kahi bata o matanda, bakla o tomboy? Tunay nga bang nagbabago ang kultura? Eh, bakit may mga kilos na sikat pa rin hanggang ngayon nang huli kong namataan nang ako ay bata pa? Bakit may mga kilos na tila mapang-asar?

Sa jeep, tunay ka bang Pilipino?

Tatlong babaeng matatanda, matanda na ang ibig kong sabihin ay over 50 years old. Matanda. Halata naman sa pagsakay nila sa jeep — mabagal ang kilos, lawlaw na ang mga taba sa braso, kulubot ang balat, may rayuma.

Lumarga na ang tsuper sa kahabaan ng North Edsa. Maalinsangan ang panahon, mainit, maalikabok, eh kelan naman nawala ito? At kelan din nawala ang habit ng mga babaeng matatanda na kumuha ng panyo at ipantakip ito as ilong nila sa kabuuan ng biyahe?

Nag-uusap sila pero walang gustong makinig, walang interesado, hindi kagaya ng dalawang magkasintahan na panay ang PDA, halos lahat susulyap ng tingin. Si kuya, napadadalas ata. May panyong dala ang isa sa mga magkukumare samantalang ang dalawa na kaharap niya ay kamay lamang ang gamit. Class symbol? Hindi ata. Pare-pareho lang sila.

Di naglaon, dahil nga friends are friends during times of trouble, hindi nakatagal ang babaeng may panyo at naisipan na dumukot ng tissue mula sa kaniyang bag, na yakap ng kaniyang pawising mga braso.

O eto para hindi kamay ang gamit ninyo, wika niya pagkaabot ng tissue na karaniwang pinampupunas sa… alam niyo na. Hindi kasi siya yung nasa plastic na madulas, o yung mga table tissue papers sa restaurants. Malugod naman nila itong kinuha, at maaring nagpasalamat dahil ni salamat ay wala akong narinig. Ano yan mare, hinugot ko yan sa C.R., yung ganon, yung parang kahon, wika pa ng mabait na ale, tinatamad akong maghugas ng kamay eh, kumuha ako.

Mabuti ay nagtira pa siya ng sobra. Tinanggap naman nila ang tissue paper, pero ang isa mukhang nagmamalinis, tinakpan ang bibig at ilong ng tissue habang ang hintuturo niya ay naroon, sa likod ng tissue, pinipisil ang ilong. Kitang-kita ko pa ang paraan niya para sabihing ginagamit ko ang tissue na galing sa C.R. habang sa totoo ay daliri pa rin niya ang pinantatakip.

Bakit kailangan takpan ang ilong? Proteksyon sa polusyon? Eh kung ang bibig mo ay mas marumi ba kaysa sa hanging iyong nasasagap?

Ang ikatlo sa matatanda. Iba naman ang drama. Nagpara sa jeepney driver at ibinigay ang isang maliit na leaflet sa dalawang babae bago siya bumababa. Mga babeng ubod ng taba, ang isa’y mag itinake-out pang Float galing Mcdo. Bumababa ang matanda at di ko napigilan mapatingin sa kung ano ang ibinigay sa mga babaeng matataba.

“Enjoy an eat-all-you can treat at Barrio Fiesta! Blah, blah, blah… Bakit kaya hindi ako ang binigyan e katapat lang naman niya ako?

Nakita ko kung paanong ginusot at binilot ng isa sa mga matataba ang glossy paper.

Mini-mini-may-nim-o… si-no ang man-li-li-bre? I-to ba o i-to, i-to.. to-to-o ba o-o….. si-na-bi ba ng diyos, o-o? to-to-o ba o-o…Apat na elementary students ang nakasabay ko sa parehong biyahe ang kumanta ng pointing game na ito. Siya na sana ang manlilibre nang tanungin kung totoo ba, pero dahil naituro niya ang kaniyang sarili, nagawa niyang itanong muli kung totoo ito sa diyos, ang sagot: hindi siya kundi ang isa pa niyang kasama.

Naalala ko ang pagkabata ko sa larong ito. Para kaming mga ewan.

Iba-iba ang kultura sa loob ng jeepney. Atentibo ang drayber sa bawat bayad, pero kabag sukli na ang hinihingi, marami ang nabibingi. Nakatuwa at nakakatawang sumakay sa jeep yun nga lang, mausok, marumi, puro alikabok, at pagdating mo sa bahay, parang ikaw na ang pinakamaruming tao sa inyo.

Pwera sa Makati, kung saan de-aircon ang mga jeep.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s