Bigyang-Galak ang Buhay

Ako dati ang namumuno sa mundo
Tataas ang dagat kapag sinabi ko
Ngayon tuwing umaga, mag-isa akong natutulog
Winawalis ang lansangang dati ay akin.

Ako dati ang may hawak sa kapalaran
Nararamdaman ko ang takot sa mga mata ng aking  kaaway
Ngayon naririnig ko ang madla, inaawit:
‘Patay na ang dating hari, mabuhay ang bagong hari!’

Ako dati ang may hawak sa susi
Ngayon isinara na ang mga dingding sa akin
At natuklasan kong ang aking mga kastilyo ay pawang nakatayo na lang
Sa mga haligi ng asin, mga haligi ng buhangin.

Naririnig kong tumutunog ang mga kampana ng Herusalem
Umaawit ang koro ng Romano Katoliko
Ikaw ang maging salamin, tabak, at kalasag ko.
Aking mga sugo sa lupaing banyaga.

Hindi ko maipaliwanag, kung bakit ay may dahilan
Kapag tumungo ka, wala, walang salitang tapat
Ngunit iyon ay noong ako pa ang namumuno sa mundo

Ang malupit at marahas na hangin
ang humipan sa pintuan para ako’y papasukin.

Basag na bintana, at tunog ng tambol
Hindi makapaniwala ang mga tao kung ano ang nangyari sa akin

Hinihintay ng mga manghihimagsik
Ang aking ulo sa ibabaw ng platong pilak
Isang papet sa malungkot na tali
O, sino ang gugustuhing maghing hari?

Naririnig kong tumutunog ang mga kampana ng Herusalem
Umaawit ang koro ng Romano Katoliko
Ikaw ang maging salamin, tabak, at kalasag ko.
Aking mga sugo sa lupaing banyaga

Hindi ko maipaliwanag, kung bakit ay may dahilan
Alam kong tatawagin ako ng San Pedro
Walang salitang tapat kailanman
Ngunit iyon ay noong ako pa ang namumuno sa mundo

Naririnig kong tumutunog ang mga kampana ng Herusalem
Umaawit ang koro ng Romano Katoliko
Ikaw ang maging salamin, tabak, at kalasag ko.
Aking mga sugo sa lupaing banyaga

Hindi ko maipaliwanag, kung bakit ay may dahilan
Alam kong tatawagin ako ng San Pedro
Walang salitang tapat kailanman
Ngunit iyon ay noong ako pa ang namumuno sa mundo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s