Ngayon ko napatunayan

Ngayon ko napapatunayang tama ang mga salitang sinabi ko sa mga nakaraang post ko sa blog na ito. Ang mga salitang iyon ay walang matibay na basehan, tanging emosyon, isip, puso, at instinct lamang.

Firsts tend to stammer.

Hindi madaling lumikha ng pulido at walang lubak. Yung tipong nasa vacuum at empty space. Sabi nga ng isang naming propesor, ang pagiging objective ay isang ideal na aspeto pero magagawan natin maging balanse sa pinaka-balanseng paraan. Dahil ang pagsusulat ay ginagamitan ng isip at emosyon.

Maari, kung hindi ka tao.

Ngayon ko napatunayan ang tunay na kahulugan ng pamamahayag kahit ito ang artikulong una kong sinulat para sa isang dyaryong tunay na binabasa at iniintidi, una kong sinulat para sa isang isyung may kasamang kompetisyon. Bawatn salita ay may ibig sabihin. Hindi naman ganito noon. May mga balita ngunit panay pagkapanalo at kasiyahan ng high school ko. May mga artikulo pero lahat positibo, kadalasan sa lathalain ako napupunta.

Ngayon ko napatunayan ang kahulugan ng ‘journalism raises public opinion’. Sensitibo akong tao pero dito ko masusukat ang aking katatagan. Mas lalo pa itong nagbigay sa akin ng dahilan para maging responsable at balanse sa aking pamamahayag.

Ngayon ko napatunayan ang tungkulin ng isang punong patnugot bilang isang magulang na may paninindigan.

Masasabi kong isang hakbang ito sa tunay na hamon at handa na ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s