A cub reporter’s notebook

I am writing this with my ‘EDSA clothes’ still on – the clothes I wore when we shot my stand-upper clip,  the clothes I wore as we swam through the sea of people (makakuha lang ng shot), the clothes I wore as we stood under the sun’s heat, and the clothes I wore as we endured the long hours of standing and strolling.

Dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Bago ako mag-blog ng di malilimutang mga eksena at realizations sa EDSA, ngayon ko sasabihing wala akong pinagsisihan sa coverage ko sa 25th anniversary ng EDSA Revolution. Sabi nga ng badge na nakuha namin ni Janvic kanina, ‘Pilipino Ako, Ako ang Lakas ng Pagbabago’

Ngayon ko nalamang may mas malalim na dahilan pala ang pagsigaw ng mga news directors sa crew nila, ang panenermon ng editor sa writer, at ang bitterness habang nakikitang may nakuhang interview ang isang ABS-CBN reporter sa taong ito at ikaw ay wala. Hello, ngayon lang ako nagsisigaw sa harap ng TV: “Bakit sila mayroong interview?! Bakit ganon?!”

Ngayon ko nalamang mas saysay pala ang bawat crew sa isang production team – hanggang sa crowd control units. Mahirap din ulit-ulitin ang pagsstand-upper dahil may mga dumadaan sa harap ng camera.

Competition is the real game. Paunahan ang mga cameraman na sumampa sa platform para lang makakuha ng shot. At iba ang ang achivement with ‘Yehey!’ at pagtataas ng kamay na daig pa ng pagkapanalo ni Donaire.

Iba rin ang spirit ng media. Kung may unwavering EDSA spirit, walang pa ring tatalo sa media spirit.

Mga GMA News microphones na nakasabit sa speakers ng Malacanang. Mga gusot na pages sa reporter’s notebook. Mga fonts na tanging ang reporter lang ang nakakaintindi. Mga MEDIA AREA yellow lines na dapat ay harang para sa press pero napunit lang.

At ang kompetisyon. Yung may dalawang cameraman magmumurahan tapos magbabati at magtatawan afterwards.

Maraming gusto makausap si FVR o si Noynoy. Ang iba masaya nang makuhanan sila ng shot kahit gaano pa kalayo o magpa-autograph. Para sa media, nakakadepress pa rin kahit may shots ka na hanggat wala kang interview. Sound bytes kasi ang mahalaga.

Buti pa ang print, walang soundbytes. Kahit recorder at notebook lang, okay na. At iba din ang binibilang mga natutunan namin ngayong araw.

Lesson # 1: Huwag agit sa pagkuha ng shots, hindi forever ang battery ng cam, okay? Hindi mo hawak ang oras para kumuha ng shots sa bawat anggulo sa buong event. Hindi ka turista para kumuha ng random shots. At kung reporter ka, hindi ka photographer, anchor, or ano pa man. Know your limits.

 

Lesson # 2: Huwag agit sa pag-cover ng lahat ng bagay kahit ‘coverage’ pa ang tawag dito. Time at priority management ang kailangan. Sa real field, hindi lang ikaw ang reporter sa istasyon mo para akuin mo lahat.

 

Lesson # 3: Huwag humiwalay sa cameraman mo. May team-up ang reporter at cameraman. Baka nakausap mo nga si presidente, wala ka namang shots.

 

Lesson # 4: Pack light. Iba din kasi yung nakakasakit ka ng ibang tao sa extra tripod na dala mo at hindi na makapag-sorry pa dahil mawawalan ka ng scoop. Tama na ang isang tripod.

 

Lesson # 5: Tumakbo kung tatakbo. Lumusot kung lulusot.

 

At para sa iba, paganahin ang charms. Maaring ang charms na inaakala mong charms ay hindi pa pala.Para sa  mga kakayaning lumandi sa security guards, army officers, o di kaya’y PSG pa para makalusot lang, go! Yan ang tunay na charms.

 

Lesson # 6: Huwag ma-star struck sa mga tipong Dingdong Dantes, o Apl de Ap. Know your beat. Huwag magpaka-showbiz kung political beat ka.

 

Lesson # 7:  Be alert. Bawasan ang tapang at kakapalan ng mukha. Be a responsible and ethical journalist. Iba ang paparazzi, at stalker sa ethical journalist. Seryoso, iba siya.

 

Lesson # 8: Asahan mas malala pa ang pagcover ng event gaya ng EDSA anniversary sa paghahabol ng basketball player sa last 5 seconds para maka-score. Sabi nga, journalism is not for the faint-hearted.

 

Lesson # 9: Humanda sa mahabang lakaran.

 

Lesson # 10: Kung kailangang sumigaw para maibato tanong, go. But be ready for rejections.

 

Lesson # 11: Huwag masatify sa isang take lang ng stand-upper. Pero huwag mo namang paaabutin ng 20 takes.

 

Finally, lesson # 12: Magkaroon ng well-organized gameplan bago magcover.

As a side thought, mapapa-anyare ka na lang sa randomness ng mga bagay-bagay. Mga taong nakipunit ng papel mula sa notebook ko para mapagsulatan ng autograph ni Ramos.

Ngayon ko lang siyang nakitang sumakay sa sasakyan na hindi dumadaan sa pinto, kundi sa bintana. Siya yata ang huling politikong bumaba ng entablado para makausap, magbigay ng autograph, magpapicture o tumanggap ng kiss mula sa nagkukumahog na mga tao.

Mahirap magcover ng isang national event kung wala kang  kongkretong plano. Siguradong mas marami pang mas magagandang  bagay ang natutunan ng mga taong hindi naaabala sa pag-iisip kung anong anggulo ng istorya, hindi nakikipaghabulan sa artista o politiko, at hindi nakikipagsiksikan, kundi nagtungo sa EDSA para maging bahagi ng kasaysayan.

Pero walang kasaysayan kung walang mananalaysay at magsasaysay.

Gaya ng bawat impormasyon na isinusulat ko, lahat ng leksiyong natutunan ko ngayon ay nasa ‘notebook’ ko na.

May istorya pa kong bubuunin. Pero bago yan, magpapalit muna ako ng damit.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s