Mga Eksena sa Eastwood

Marami pa sana akong babasahin ngayon madaling araw — ang artikulo ni Jose Antonio Vargas matapos niyang amining iligal siyang nakatira sa Estados Unidos at isang artikulo na pinamagatang, “Ping Pong Coverage of a Golfers’ Brawl”.

Sa totoo lang, wala akong ideya kung anong laman ng artikulong iyon. Wala namang sigurong masama kung magsusulat ako dito ngayon oras na dapat ay ginugugol ko sa pagbabasa.

At Filipino. Na-inspire lang ako sa blog ng isa sa aking idolo na si Ryan Chua (kahit galing siya ng Ateneo). Karamihan sa kaniyang mga gawa ay nakasulat sa wikang Filipino. Tingin ko tuloy nagmumukha siyang emo kapag binabasa ko ang mga sinulat niya. Pero marami akong natutunan.

Ngayong araw din ay meron siyang tweet. Sinabi niya na kapag naririnig daw niyang umiiyak ang kaniyang ina sa telepono ay hindi niya maiwasang maiyak din.

Sinabi rin niya sa kaniyang blog na tuwing Bagong Taon, simula nang siya ay nagtrabaho ay naghahanap siya ng istorya imbis na nakikisaya kasama ng kaniyang pamilya. Nasanay na rin daw siya.

Masayahing tao si Ryan Chua. Minsan, sa paghahanap ko ng istorya para sa Broadcast Journalism 101 (ibang usapan ito at kakailanganin ng mas maraming espasyo), ay nakita ko ang kaniyang kagustuhang marinig ang one-on-one interview ni Jessica Soho kay Sen. Lacson nang siya ay bumalik sa bansa. Hindi lang kasi pwedeng pumasok sa closed door interview na ‘yon.

Malalim siyang tao. Subukan niyong basahin ang blogsite niya: http://zeustar100.multiply.com/journal?&page_start=20

***

Sa tuwing dadating ang aking ama mula North Luzon (kung saan naroon ang kaniyang projects), hindi namin papalampasin ang weekend nang hindi kami lumalabas.

Ang kagustuhang manood ng Cirque du Soleil Varekai ay nauwi sa pagbisita sa Eastwood: isang lugar na mas magarbo pa kaysa Ayala Malls ng Makati. Dito na yata ang kampo ng mga elite.

Kung dati, tila sarado ang Eastwood sa mga taong non-elite, ngayon, unti-unti na itong nadidiskubre ng iba’t ibang tao. Ngunit di gaya ng Trinoma o Ayala, sa pag-iikot namin sa lugar na ito, hindi mo maiiwasang masabi sa isip mo kung sino ang mayaman, sino ang mahirap, at, sino ang matalino — o di kaya’y pagsasama-sama ng alin man sa nabanggit.

Dalawa ang gusali sa Eastwood. Isa dito ang Main Mall kung saan tila ilap ang mga ‘less rich’. Kaunting lakad ay makakarating ka sa tinatawag na City Walk na maihahalintulad sa Trinoma Mall kung saan naroon ang iba’t ibang uri ng tao.

Nakakatuwa ring pagmasdan ang mga reaksyon ng mga tao kaugnay sa arkitektura ng lugar.

Habang ikaw ay umaakyat sa escalator, ang mga elite ay straight-faced. Ang mga ‘less rich’ ay tumitingala sa itaas para mamangha sa ilaw na mala-hibla ng mga buhok na kumukuti-kutitap. Napatingin din tuloy ako kahit maraming beses na ako sa Eastwood. Curiosity.

Ang ibang escalator ay may salamin sa itaas. Ang mga ‘less rich’ ay mahilig manalamin. Ang mga elite ay straight-faced pa rin.

Nakatutuwa na sa kabila ng bilis ng takbo ng daigdig at mga tao, isang lugar dito sa Eastwood ang papawi ng lahat ng iniisip. Hypnotising ang tunog.

Sabi nga ng aming Film 110 professor, kailangan ng aliw (entertainment) para mabalik tayo sa katinuan.

Pati ang Grand Piano sa ground floor na pinatutugtog ng isang pyanista (di gaya ng Grand Piano sa SM The Block na tumutugtog mag-isa) ay isang social determinant. May ilan na kunwari ay makikinig at madadama ang kanta ngunit sila pala ay nakikibagay lang. May ilan na sandaling makikinig pero aalis din, naghihintay lang pala ng kasama na galing sa comfort room.

May kakaunti na tatayo ng matagalan at tatapusin ang buong sonata. Kung magustuhan ang kasunod, muli itong tatapusin. Ito ang marunong dumama ng awit.

Halos hindi ko na nga napansin na tinatawag na kami ng aming mga kasama.

Isang dancing fountain ang ipinalalabas tuwing gabi na aming naabutan bago kami umalis. Mga modernong awitin kasabay ng pagsasayawan ng mga tubig na bumubulwak.

Isang batang babae ang nakita kong nakaupo ibabaw ng bato. Inakala kong kunwari siya ang nag-memeditate dahil sa posisyon ng kaniyang mga daliri. Pero hindi, totoo ang kaniyang konsentrasyon. Ako mismo ay napukaw ng palabas na iyon.

Paalis na kami dahil gumagabi na. Ayaw ko pa sana dahil nagsisimula ko pa lamang na mahalin ang Eastwood nang araw na iyon.

***

And please follow me on Twitter. It’s lindley_agustin

Dali. I want to be heard.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s